Lalo pang lumakas ang Super Typhoon “Mawar” habang papalapit sa hilagang bahagi ng bansa.
Ayon kay Patrick del Mundo, PAGASA weather specialist, huling namataan ang bagyo sa layong 1,740 kilometers silangan ng southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 265 kilometro kada oras.
Mabilis itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon pa sa PAGASA, inaasahang papasok ito ng par mamayang gabi, o madaling araw ng Sabado at papangalanang bagyong “Betty.”
Posible ring lumapit sa Extreme Northern Luzon ang Super Typhoon Mawar sa linggo kung saan asahan din ang malalakas na hangin at pag-uulan sa Northern Luzon at ilang bahagi ng Central Luzon.