dzme1530.ph

Sukat ng agricultural land, lumiit sa nakalipas na tatlong dekada

Lumiit ang sukat ng mga lupang pang-agrikultura o sakahan sa bansa sa nakalipas na tatlong dekada, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sa datos noong 1980 Census of Agriculture and Fisheries (CAF), sinabi ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na umabot sa 9.73 million hectares ang sukat ng farm lands sa Pilipinas.

Mas mataas ito kumpara sa 9.67 million hectares na naitala noong 2002 at 7.27 million hectares noong 2012.

Sa datos naman ng Center for Agrarian Reform and Rural Development (CARRD), ipinapakita na ang lupang sakahan para sa pagtatanim ng palay ay lumiit ng 48% simula noong 1980.

Samantala, binigyang-diin ni mapa ang pangangailangan na magkaroon ang gobyerno ng panibagong round ng large-scale census sa agriculture at fisheries, upang makalikom ng datos na magagamit para sa susunod na 10-taon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author