dzme1530.ph

Substitute bill para sa panukalang Adolescent Pregnancy Prevention Act o Senate bill 1979, bukas sa pag-aaral ng Malacañang

Welcome sa Malakanyang ang paghahain ni Sen. Risa Hontiveros ng substitute bill para sa Senate bill 1979 o ang proposed Adolescent Pregrancy Prevention Act.

Kasunod na rin ito ng pagtutol ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa orihinal na bersyon ng panukala.

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, ang inisyatibong ito ay nangangahulugang nabatid ni Hontiveros na Ang nauna niyang panukala ay may mga bahagi na kailangang ayusin.

Kaugnay Dito, mainam umanong mabigyan muna ang Pangulo ng pagkakataong mabasa ang bagong bersyon ng panukala bago ito muling hingan ng komento.

Una nang sinabi ni Marcos na kaagad niyang ive-veto ang panukala dahil sa umanoy ilang elemento nito tulad ng paglalaman ng katagang “Masturbate”. —ulat mula kay Harley Valbuena

 

About The Author