Lumobo sa 96.64% ang halaga ng subsidiya na ipinagkaloob sa Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCCs) noong Hunyo kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang budgetary support sa GOCCs ay umakyat sa P26.055 billion noong ika-anim na buwan mula sa P13.386 billion noong June 2022.
Sa datos, ang Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) ang mayroong pinakamataas na subsidiyang tinanggap mula sa pamahalaan na P15.016 billion o 57.63% ng total subsidies para sa naturang buwan.
Sumunod naman ang National Irrigation Administration (P3.524 billion), Bases Conversion and Development Authority (P2.91 billion); at Philippine Crop Insurance Corp. (P1.8 billion). —sa panulat ni Lea Soriano