dzme1530.ph

Subsidiya para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan, itataas sa P260k —DOTr

Itataas ng Department of Transportation (DOTr) sa P260,000 ang subsidiya para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan para pahintulutan ang mga ito na makabili ng E-Jeepneys para sa PUV Modernization Program.

Ayon kay DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor, kasalukuyang nasa P160,000 ang equity subsidy na ibinibigay nila sa bawat tsuper na nais lumipat sa modern PUV unit.

Aniya, dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at gastusin kaya itataas nila ang nasabing subsidiya.

Samantala, target ng ahensya na mailunsad ang naturang hakbang sa second quarter ng taong ito.

About The Author