Humihiling ng P15,000 “El Niño subsidy” ang kilusang magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa pamahalaan ngayong maraming magsasaka at mangingisda ang posibleng maapektuhan ng inaasahang pagtama ng El Niño sa bansa.
Ayon kay Danilo Ramos, Chairperson ng KMP, panahon na upang ihanda ng gobyerno ang ipamamahagi nitong ayuda para sa mga magiging biktima ng tagtuyot.
Mahalaga aniyang masuportahan ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka ng binhi, maayos na farm inputs na kailangan upang mapigilan ang tumataas na gastusin sa produksyon.
Ayon pa kay Ramos malaki din ang tiyasang magdala ng negatibong epekto ang El Niño sa mga mangingisda gayung lalong umiilalim ang mga isda tuwing nakakaramdam ng matinding init sa karagatan na posibleng magpababa ng huli ng mga ito.
Ginawa ng grupo ang panawagan matapos ang inilabas na El Niño Alert ang PAGASA.