dzme1530.ph

Subpoena para sa dating opisyal ng LTFRB na si Jeff Tumbado, hindi pa naisisilbi ng NBI

Hindi pa naisisilbi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Subpoena para kay Jeff Tumbado, ang dating opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kamakailan lamang ay binawi ang kanyang bintang na katiwalian sa ahensya.

Ito, ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano, ay dahil sa maling address na nakasaad sa Affidavit ni Tumbado.

Sa ngayon aniya ay nasa proseso ang NBI ng pagsisilbi ng panibagong Subpoena sa dating Executive Assistant ni suspended Ltfrb Chairman Teofilo Guadiz III, na mayroong tamang address.

Nanawagan naman si Clavano kay Tumbado na makipag-ugnayan sa NBI kung handa itong sumipot sa Lunes. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author