dzme1530.ph

Strategic deployment sa Scarborough Shoal, ipinatutupad sa ilalim ng Marcos administration —PCG

Nagpapatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) ng “strategic deployment” ng kanilang mga barko sa paligid ng Scarborough Shoal na kilala rin sa tawag na Bajo de Masinloc.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, spokesperson ng PCG on the West Philippine Sea, na sinimulan nila ang naturang approach nang dumating ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ngayon aniya ay nakapag-a-angkla ang PCG ng mga barko, 300 metro mula sa Scarborough Shoal.

Idinagdag ni Tarriela na simula nang mangungkulan ang Marcos administration ay muling nakontrol ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc, lalo na ang lagoon, sa pamamagitan ng naturang strategy. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author