dzme1530.ph

STATUS NG K-POP GROUP NA LAPILLUS, ‘FLOATING’ PA RIN, AYON KAY CHANTY VIDELA

Loading

Inamin ng Filipino-Argentinian singer na si Chanty Videla na wala pa ring malinaw na update ang MLD Entertainment sa K-pop group na Lapillus na kanyang kinabibilangan.
 
Sinabi ni Chanty na nasa “stagnant” o “floating” ang estado ng kanilang grupo.
 
Matatandaang nag-debut ang Lapillus noong 2022 at nagwagi pa sa 2023 Asia Artist Awards.
 
Gayunman, noong April 2024 ay lumiban, “indefinitely,” si Chanty sa mga aktibidad ng grupo dahil sa health issue.
 
Sa ngayon, abala si Chanty sa kanyang career sa Pilipinas bilang Sparkle artist. 

About The Author