dzme1530.ph

State of Emergency, idineklara sa Iceland kasunod ng pagputok ng isang bulkan 

Isinailalim sa State of Emergency ang Iceland matapos pumutok ang isang bulkan sa timog-kanluran na bahagi ng lugar.

Ayon sa Icelandic Meteorology Office (IMO), patuloy pa rin ang bulkan sa paglalabas ng lava, na umabot na sa Bayan ng Grindavik.

Naitala rin ang serye ng volcanic earthquakes kung saan, sa huling tala ay pumalo ito sa mahigit 200 at umaabot sa magnitude 3.5 ang lakas nito.

Batay sa pinakahuling ulat, hindi bababa sa 200 katao ang inilikas sa Grindavik dahil sa panganib na dala ng patuloy na aktibidad ng nasabing bulkan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author