dzme1530.ph

State of emergency idineklara sa bansang Peru

Idineklara ang State of Emergency sa Lima, Peru at sa tatlo pang rehiyon bunsod ng mga protesta laban kay President Dina Boluarte, na ikinasawi na ng apatnapu’t dalawang indibidwal sa mga nakalipas na linggo.

Sa loob ng tatlumpung araw ay binibigyan ng kapangyarihan ang army na manghimasok upang panatilihin ang kaayusan at suspindihin ang ilang Constitutional Rights, gaya ng Freedom of Movement and Assembly.

Simula noong Disyembre ay binarikadahan ng mga supporter ng pinatalsik na Pangulo na si Pedro Castillo, ang mga kalsada sa iba’t ibang panig ng Peru, upang igiit na magkaroon ng bagong halalan at paalisin sa poder si Boluarte.

Noong Biyernes ng gabi ay tumanggi si Boluarte na bumaba sa kapangyarihan sa dahilang ang kanyang katapatan ay nasa peru.

Bukod sa lugar ng Lima, saklaw ng State of Emergency ang mga rehiyon ng Cusco at Puno, maging ang Port of Callao.

About The Author