Isinailalim sa state of calamity ang lungsod ng Candon sa Ilocos Sur dahil sa outbreak ng African Swine Fever o ASF.
Sa inilibas na Executive Order No. 60 ni Mayor Eric Singson noong Oktubre a-primero, ipinatupad ang 15 araw na lockdown para sa transportasyon, paghahakot, pagpatay, at pagbebenta ng mga baboy, karneng baboy, at mga produkto nito simula kahapon, Oktubre 2 hanggang 17 upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.
Dahil dito, maaaring gamitin ng pamahalaang lungsod ang quick response fund para makapagbigay ng tulong sa mga apektadong hog raisers sa lugar.
Nabatid na umabot na sa 22 mula sa 42 barangay ang naapektuhan ng naturang virus. —sa panulat ni Airiam Sancho