dzme1530.ph

Stakeholders ng E-Vehicle industry, nanawagan ng mas maraming insentibo sa pagsisimula ng lokal na produksyon sa Hunyo

Nanawagan ang stakeholders ng Electric Vehicle Industry sa pamahalaan na magbigay ng mas maraming insentibo para sa lokal na produksyon ng electric motorcycles sa Hunyo.

Ito ang sinabi ng Dep’t. of Industry (DTI) kung saan umaasa rin ang stakeholders na ang pagsama ng may dalawa at tatlong gulong na E-Vehicle sa tariff break ay magiging epektibo nang mas maaga kaysa sa nakatakdang pagrebyu ng Executive Order no.12.

Nabatid na ang hakbang ay kasunod ng paglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng Integrated Micro-Electronics Inc. ng Ayala Group at Zero Motorcycles na nakabase sa California sa pagtatatag ng unang E-Vehicle motorcycle manufacturing site sa Pilipinas.

Sa ilalim nito, pangungunahan ng US-based company ang pagse-set up ng naturang site sa bansa at inaasahan na kukuha ito ng 200 manggagawa para bumuo ng 18,000 E-Vs kada taon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author