Nilinaw nina National Treasurer Rosalia de Leon at Finance Sec. Benjamin Diokno na bagaman bawal mag-invest ang Social Security System (SSS) at ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Maharlika Investment Corporation (MIC), ay maaari pa rin silang mag-invest sa mga proyekto nito.
Ginawa ang paglilinaw matapos sabihin ng mga kritiko ng Maharlika na kapag nalugi ang sovereign wealth fund ay maaapektuhan ang pensyon ng mga Pilipino.
Paglilinaw nina De Leon at Diokno, maaring mag-invest ang SSS at GSIS sa project level, subalit hindi sa mismong MIC.
Kapwa iginiit ng dalawang opisyal na ang investment fund ay makatutulong sa ekonomiya at mayroon itong risk management unit na tutukoy kung saan iiinvest ang pera.
Maari rin anilang bumuo ang MIC ng joint venture kasama ang mga conglomerate para sa big-ticket Public Private Partnership projects. —sa panulat ni Lea Soriano