dzme1530.ph

Sports broadcasting legend Ed Picson, pumanaw na sa edad na 69

Pumanaw na ang veteran sportscaster na si Edgar “Ed” Picson, sa edad na 69.

Binawian ng buhay si Picson kahapon makaraang igupo ng liver cancer, batay sa kumpirmasyon ng Colegio de San Juan de Letran na kanyang Alma mater.

Kabilang sa mga naunang nagpaabot ng pakikiramay ang longtime coleagues nito na sina Quinito Henson at Bill Velasco.

Si Picson ay itinuturing na icon sa sports broadcasting at naging pamilyar na boses sa Philippine Basketball Association, maging sa Philippine Boxing bilang commentator sa Blow by Blow kung saan unang nakilala si Manny Pacquiao.

Nagsilbi rin si Picson bilang executive director at secretary general ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP).

About The Author