Magdaraos ang Comelec ng special election sa Dec. 9 sa ikatlong distrito ng Negros Oriental upang mapunan ang bakanteng puwesto na dulot ng pagpapatalsik kay dating Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Ang pagtatakda sa special election ay matapos matanggap ni Comelec Chairman George Garcia ang Certificate of Permanent Vacancy at resolusyon na nananawagan ng halalan mula sa House of Representatives.
Pansamantala ay itinalaga ng Kamara si House Speaker Martin Romualdez para magsilbing legislative caretaker ng dating distrito ni Teves.
Sa Press Statement, sinabi ni poll body na ang mga aspirante ay maaring mag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) simula sa Nov. 6 hanggang 8. —sa panulat ni Lea Soriano