dzme1530.ph

Spanish Royal Soccer Federation President, nag-resign matapos ang kontrobersyal na World Cup kiss

Binitawan na ni Luis Rubiales ang kanyang posisyon bilang Pangulo ng Spanish Football Federation, kasunod ng unsolicited kiss na naging dahilan para akusahan siya ng sexual assault, at isailalim sa iba’t ibang imbestigasyon ang naturang insidente.

Hinalikan ni Rubiales sa labi ang player na si Jenni Hermoso matapos ang Women’s World Cup Final noong nakaraang buwan, na itinuring ng footballer bilang sexual assault.

Inamin ng Spanish Football Federation President na hindi na niya kayang maipagpatuloy ang kanyang trabaho kasunod ng naturang eskandalo.

Mariin ding itinanggi ni Rubiales ang akusasyon na sexual assault, kasabay ng paggiit na ang paghalik niya kay Hermoso ay “spontaneous, mutual, euphoric, at consensual.” —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author