dzme1530.ph

SP Zubiri, ‘proud’ sa accomplishment ng Senado sa 1st regular session ng 19th Congress

Ipinagmalaki ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri ang mga naging accomplishment ng Senado sa pagtatapos ng 1st Regular Session ng 19th Congress.

Sa huling araw ng sesyon kahapon, binigyang-diin ni Zubiri na tinugunan nila ang pangangailangan ng sambayanan batay sa panahon sa pamamagitan ng kanilang mga ipinasang panukala at mga resolusyon.

Sa datos, kabuuang 31 landmark bills at mahigit 70 resolusyon anya ang inaprubahan ng Senado sa unang taon ng 19th Congress.

Binigyang-diin pa nito na ang bawat panukala at resolusyon ay hindi pumapasa nang hindi dumaraan sa masusing pagbusisi, diskusyon, debate at pag-amyenda ng bawat miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Dahil dito, nagpasalamat si Zubiri sa pagsisikap ng kanyang mga kasamahan kasabay ng pangakong sa pagbabalik ng Senado matapos ang mahigit isang buwang bakasyon ay mas determinado silang tugunan ang kanilang mandato para sa bayan.

Balik sesyon ang Kongreso sa Hulyo 24 kasabay ng pagbibigay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. –ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author