Nanindigan si Senate President Francis “Chiz” Escudero na wala silang nilabag na anumang probisyon sa konstitusyon at anumang rules sa impeachment court sa desisyon nilang iatras ang petsa ng pagbabasa ng articles of impeachment.
Sinabi ni Escudero na tulad ng kaniyang mga naunang pahayag kaugnay sa isyu ng fortwith, dapat ding isipin ng mga kongresista na sila rin ay hindi naman agad nakapagsumite ng reklamo.
Ipinaalala ng senador na huling araw na ng sesyon nang maipasa sa kanila ang articles of impeachment na nangangahulugan na hindi naman sila nagmamadali.
Samantala tumanggi si Escudero na magkomento sa pahayag ni Congresswoman-elect Leila de Lima na sa pag-atras ng pagsisimula ng impeachment proceedings ay posibleng tuluyan nang hindi na ito matuloy.
Pasaring ng senate leader na hindi niya trabaho ang magkomento sa mga pahayag ng isang congresswoman-elect na hindi pa naman tiyak na magiging bahagi ng prosecutor panel.