dzme1530.ph

South Korea at Canada, magbibigay ng humanitarian aid sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyong Egay

Magdo-donate ang South Korean Government ng $300,000 o tinatayang P16 million na humanitarian assistance sa Pilipinas upang tulungan ang bansa na makabangon kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay noong Hulyo.

Ayon sa South Korean Embassy, ipinaabot ni Ambassador Lee Sang Hwa ang impormasyon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa sidelines ng Dialogue on Maritime Governance in the South China Sea.

Samantala, nag-pledge din ang Canada ng humanitarian support na nagkakahalaga ng 380,000 Canadian dollars o nasa P16 million din na gagamitin para sa shelter, cash assistane, water and sanitation, at hygiene service provisions.

Ipadadaan ang pondo sa pamamagitan ng iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Humanitarian Coalition at Canadian Red Cross. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author