dzme1530.ph

SoKor, France, nabahala sa panghaharass ng China sa mga sundalong Pinoy sa WPS

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga bansang South Korea at France kasunod ng pinakahuling panghaharass ng China sa mga sundalong Pinoy sa West Philippine Sea.

Sa statement na inilabas ng Embahada ng South Korea sa Pilipinas kahapon, pinagtibay nito ang suporta para sa kapayapaan, katatagan, at kaayusan na nakasaad sa rules-based order sa South China Sea.

Binigyang diin din nito ang freedom of navigation at overflight na isa sa mga prinsipyo ng International law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Habang iginiit naman ng French Embassy sa Manila ang mariing pagsuporta nito sa 2016 Arbitral ruling na hindi kumikilala sa nine-dash line claim ng China.

Nabatid na noong Aug. 5, binomba ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas sa resupply mission nito patungong Ayungin Shoal. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author