dzme1530.ph

Soft skills lesson, ipinasasama sa Curriculum

Hinimok ni Senador Pia Cayetano ang Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 at ang Department of Education na isama sa curriculum ang soft skills sa lahat ng level ng edukasyon.

Ito ay kasunod ng resulta ng survey na ayon sa mga employers maraming Filipino graduates ang kapos sa soft skills.

Binigyang-diin ni Cayetano na hindi hiwalay na subject ang nais niya bagkus ay dapat isama ito sa bawat aralin ng mga estudyante.

Hindi naman anya dapat balewalain ang pagkilala ng mga Chief Executive officers sa lahat ng Asian countries sa mga Filipino graduates bilang “very hardworking at very reliable”.

Kailangan lamang anyang madagdagan ang skills ng mga Pinoy pagdating communication, leadership, confidence, problem-solving at ang abilidad na makipagtulungan sa kapwa empleyado. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author