Pinabulaanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala silang record na may eroplanong lumipad malapit sa bulkang Mayon.
Kasunod ito ng kumakalat sa social media na may isang eroplano ang lumalapit sa paligid ng Mayon Volcano matapos itong maglabas ng laba kagabi.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, very creative na ang mga tao ngayon pagdating sa social media.
Una rito mahigpit ang kanilang paalala sa mga piloto at aircraft operator sa pamamagitan ng notice to airmen (NOTAM) na bawal lumapit sa nag aalburutong bulkan mula 4km danger zone.
Una nang itinaas ng phivolcs sa Alert level 3 ang bulkang Mayon dahil sa patuloy na pagaalburuto nito at kagabi nga ay nakunan ito ng larawan ng Bicol tower na naglabas ng laba mula sa bunganga ng bulkan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News