dzme1530.ph

Soccer Chief ng Spain, sinuspinde ng FIFA kaugnay ng paghalik nito sa labi ng isang player na nananalo sa Women’s World Cup

Sinuspinde ng FIFA si Spanish Federation Chief Luis Rubiales mula sa lahat ng football-related activities sa loob ng tatlong buwan, sa gitna ng imbestigasyon sa alegasyon na binigyan nito ng unwanted kiss sa lips ang isang player makaraang magwagi ang women’s team sa World Cup.

Ibinaba ng world governing body ng soccer ang disciplinary proceedings laban kay Rubiales kasunod ng insidente sa player na si Jenni Hermoso noong nakaraang linggo sa Sydney na pinalagan ng mga players at fans.

Sinabi naman ng Soccer Chief na sasamantalahin niya ang imbestigasyon upang patunayan na siya ay inosente.

Iginiit ng 46-nyos na si Rubiales na consensual ang halik na iginawad nito kay Hermoso. –sa panulat ni Lea Soriano, DZME News

About The Author