dzme1530.ph

Soberanya at integridad ng national territory, po-protektahan ng DND

Mandato ng Dep’t of National Defense ang protektahan ang soberanya ng bansa at integridad ng national territory alinsunod sa Saligang Batas.

Ito ang ipina-alala ni Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa harap ng umano’y posibleng pagkalas ng Mindanao sa Pilipinas na ipinalutang ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Teodoro, mahigpit nilang ipatutupad ang mandato, internal man o external.

Una nang ibinabala ng National Security Council na hindi mag-aatubili ang gobyerno na gumamit ng pwersa laban sa anumang tangkang pag-bukod sa bansa at pagbuwag sa Republika. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author