dzme1530.ph

SMPP pabor na magsagawa ng imbestigasyon ang 3rd party hinggil sa power outage sa NAIA T3

Maging ang mga kawani ng Manila International Airport Authority (MIAA) ay nag-aabang sa magiging resulta ng ginagawang imbestigasyon sa nangyaring power outage sa NAIA terminal 3.

Kasabay nito sinabi Andy Bercasio ang pangulo ng Samahan ng mga Mangagagawa ng Paliparan sa Pilipinas (SMPP) na suportado nila ang ginagawang hakbang ng pamunuan ng MIAA para kumuha ng third party para sa nasabing usapin.

Bagaman nakatutok anya ang kanilang union sa karapatan at benipisyo ng mga mangagawa sa Paliparan dapat din protektahan ang kapakanan ng publiko at imahe ng NAIA.

Hindi din kumbinsido si Bercasio na may anggulo ng pananabotahe sa insidente ng power outage sa Terminal 3.

Nakalulungkot lang anya ang nangyaring sunod-sunod na mga insidente sa Paliparan, kasama na ang pagka-suspinde kay MIAA General Manager Cesar Chiong.

Ayon naman sa pamunuan ng MIAA, nagpapatuloy pa ang full electrical audit sa NAIA at sa Oras na makumpleto naman ito ay isasapubliko ng Department of Transportation. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author