dzme1530.ph

SMNI, naghain ng apela sa NTC at MTRCB

Nagsumite ang Sonshine Media Network International (SMNI) ng apela sa National Telecommunications Commission (NTC) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kaugnay ng suspensyon sa kanilang mga programa at operasyon.

Sa NTC, naghain sina SMNI Lawyers Mark Tolentino at Rolex Suplico ng Motion for Bill of Particulars, kung saan hiniling nila sa ahensya na eksaktong tukuyin at idetalye ang violations sa kanilang Certificate of Public Convenience at ilakip ang documentary evidence.

Noong Disyembre ay pinatawan ng NTC ng 30-day suspension ang operasyon ng SMNI, bunsod ng umano’y mga paglabag sa terms and conditions sa kanilang prangkisa.

Samantala, dalawang motions for reconsideration naman ang inihain ng media network sa MTRCB.

Para ito sa 14-day suspension na nagsimula noong Dec. 18, 2023 at 28-day suspension na ibinaba nitong Jan. 3, para sa mga programang “Gikan sa Masa, para sa Masa at Laban Kasama ang Bayan iginiit ng SMNI na ang suspensyon ay paglabag sa Freedom of Speech, Freedom of Expression of the Press, at Due Process of Law. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author