Humingi ng paumanhin ang San Miguel Corporation (SMC) sa matinding pagbaha na iniulat sa ibabang bahagi ng Skyway sa Parañaque City.
Naitala ang matinding pagbaha sa Skyway at-grade ground level sa Bicutan, kasunod ng pag-ulan na nagsimula noong Miyerkules ng gabi hanggang kahapon.
Sinabi ng SMC na hindi naman dating binabaha ang naturang bahagi ng kalsada, subalit naobserbahan ang pagtaas ng tubig nitong mga nakalipas na buwan, bunsod ng problema sa drainage sa labas ng Skyway system.
Na-trace umano ito ng kumpanya noong Pebrero, dahil sa ongoing construction works sa lugar na walang kinalaman sa kanilang operasyon at labas na sa kanilang direktang kontrol. —sa panulat ni Lea Soriano