dzme1530.ph

Smartmatic, posible pa ring mapabilang sa bidding para sa 2025 automated election

Posible pa ring mapabilang sa bidding ang kontrobersyal na Multinational Company na Smartmatic para sa nalalapit na procurement ng 2025 Automated Election System (AES).

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia, hindi nila maaaring i-disqualify ang Smartmatic dahil lang sa mga spekulasyon at akusasyon laban sa kumpanya.

Sa ilalim kasi aniya ng Republic Act 9184, kailangan ang Grounds for Disqualification ay malinaw at hindi puro alegasyon lamang.

Gayunman, sinabi ni Garcia na may mga inihaing petisyon sa kanilang tanggapan na layong i-disqualify ang naturang kumpanya sa papalit na public bidding para sa 2025 aes at kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ito.

Nabatid na naging laman ng kontrobersiya ang Smartmatic International matapos madawit sa Money Laundering charges na isinampa ng United States Department of Homeland Security laban kay dating Poll Chief Andres Bautista. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author