Posibleng “panunuhol” at public perception noong 2016 procurement ang pinagbatayan Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskwalipika ng voting technology provider na Smartmatic Philippines, na makilahok sa lahat ng Comelec procurement.
Batay sa 23 pahinang resolusyon ng Comelec en banc, ang desisyon ay may kaugnayan sa kinasangkutang kaso ni dating Comelec Chairman Andres Bautista sa Estados Unidos sa isyu ng umano’y bribery scheme ng Smartmatic noong 2016, at hindi sa 2022 presidential elections.
Ayon sa en banc, ang diskwalipikasyon sa Smartmatic ay may kinalaman sa kwestyunableng integridad nito na maaaring makaapekto sa electoral process ng bansa.
Gayunpaman, nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na walang iregularidad sa resulta ng 2016 at 2022 national elections.
Nakasaad sa resolusyon, na public knowledge ito at maaaring magdulot ng ispekulasyon at kawalang tiwala sa proseso ng halalan.
Sa separate opinion naman, iginiit ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino, na dapat nabigyan muna ng pagkakataon ang Smartmatic na sagutin ang isyu.
Ang basehan kasi ng resolusyon ng en banc ay petisyon patungkol sa kwestyunableng integridad ng Smartmatic, dahil sa napaulat na pakikipagkita ng mga opisyal nito sa isang presidential candidate noong 2022 elections.
Ipinauubaya naman ng en banc sa Special Bids and Award Committee, ang pag-blacklist sa Smartmatic sa lahat ng procurement process. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News