dzme1530.ph

Sitwasyon ng water supply sa NCR, sisiyasatin ng Kamara

Ipinasisilip ni Manila Rep. Rolando Valeriano ang kasalukuyang lagay ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Valeriano, maigi nang matukoy ng maaga kung may sapat na katubigan ang Angat Dam na siyang nagsusuplay ng 97% ng tubig sa NCR.

Matatandaang maliban sa Angat, limang iba pang dam sa bansa ang nakapagtala ng pagbaba sa water level.

Kabilang na dito ang La Mesa, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya dams.

Tinukoy din sa pagdinig ang sunud-sunod na pagpapatupad ng water interruption ng dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water.

Nakatakdang magpatawag ng briefing ang House Committee on Metro Manila Development upang matukoy kung sasapat pa ba ang suplay ng tubig sa NCR ngayong panahon ng tag-init at nagbabadyang El Nino phenomenon.  —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author