dzme1530.ph

Sitwasyon kaugnay sa BSKE campaign, generally peaceful —PNP

Nananatiling kontrolado ng Philippine National Police ang sitwasyon kaugnay sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief, Police Gen. Benjamin Acorda Jr. na “On top of the situation” ang ahensya para sa halalan.

Bagaman may ilan aniyang naitatalang insidente ng pamamaril ay itinuturing lamang ito ng PNP na isolated incidents.

Sa ngayon, sinabi ni Acorda na generally peaceful ang sitwasyon sa buong bansa kasabay ng paghiling sa publiko na maki-isa dahil hindi aniya sa lahat ng oras ay nasa lahat ng lugar ang pulisya. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author