dzme1530.ph

Sistema ng edukasyon sa bansa, lalong lumala, ayon sa grupo ng mga guro

Iginiit ng grupo ng mga guro na lalong lumala ang sistema ng edukasyon sa bansa, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Kinalampag ng mga miyembro ng Alliance of Concernes Teachers (ACT) ang pamahalaan dahil sa kabiguang tugunan ang mga kakulangan at sa anila ay “worsening education crisis.”

Binatikos din ng mga guro ang utos kamakailan ni Vice President at Education Secretary na gawing malinis ang mga pader ng classrooms, sa pagsasabing nakatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang mga instructional aids.

Kinuwestiyon din ng ACT ang panukalang confidential funds para sa Department of Education. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author