Isa sa mga karaniwang kondisyon na maaring makaapekto sa kababaihan ay ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS).
Kadalasang nagkakaroon nito ay mga babaeng nasa edad na may kakayahan pang manganak.
Kabilang sa mga sintomas ng PCOS ay mahabang panahon ng pag-reregla o biglang pagbabago nito; pagdami ng acne sa mukha, itaas na bahagi ng likod, at sa dibdib; pagnipis ng buhok sa ulo; pagbigat ng timbang; paglago ng buhok sa ibang bahagi ng katawan; pag-itim ng balat, lalo na sa leeg, singit, at sa ilalim ng dibdib; pananakit ng balakang; pagkakaroon ng depresyon; at pagbagsak ng libido.
Bukod sa hindi regular na menstrual cycle na dulot ng kondisyong ito, ang mga egg cell ng babae ay maaring hindi lumabas sa wastong panahon ng ovulation nito.
Ang karaniwang resulta nito ay kawalan ng kakayahan ng babae na magka-anak.