Pinamamadali ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang panukalang batas na magreregulate sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng single-use plastic bilang pakikiisa sa Earth day ngayong Sabado, April 22.
Target ng panukalang batas na mabawasan ang usage ng single-use plastics gaya ng utensils, straw at sachet ng hanggang apat na taon at kapag nasanay na ay tuluyan nang ipagbabawal ito.
Ayon kay Rep. Duterte, naniniwala siyang kaya itong maipatupad sa bansa dahil sa Davao City ay mayroon nang ganitong ordinansa.
Bilang pagdiriwang aniya ng Earth Day, umaapela siya sa kongreso na aksyunan na ang panukalang batas pati na rin ang mga batas na kahalintulad nito para tuluyan nang ma-phase out ang single-use plastic na mga produkto.