dzme1530.ph

Singil sa kuryente ngayong Agosto, bababa —MERALCO

Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang MERALCO ngayong buwan ng Agosto.

Sa anunsyo ng nasabing electric company, P0.29 per kilowatt-hour(khw) ang matatapyas sa power rates sa gitna ng mababang generation charges.

Ibig sabihin, aabot sa P58 ang kaltas sa singil sa kuryente ng mga kustomer na kumukonsumo ng 200kwh ng kuryente.

P87 naman para sa mga kumukonsumo ng 300khw, P116 para sa 400kwh, at P145 para sa 500kwh.

Noong Hulyo, matatandaan na nagpatupad din ang MERALCO ng bawas-singil sa kuryente na aabot sa P0.72 per khw sa gitna rin ng mababang generation charge. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author