dzme1530.ph

Singil sa kuryente ng Meralco, inaasahang tataas ngayong Marso

Asahan ng mga consumer sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong Marso.

Ipinaliwanag ni Meralco Regulatory Affairs Head Ronald Valles na bunsod ng Malampaya natural gas shutdown noong nakaraang Pebrero ay gumamit ng mas mahal na fuel ang mga power plant na pinatatakbo ng natural gas.

Tumaas din aniya ang presyo ng kuryente sa spot market bunsod ng mahigpit na supply.

Sinabi ni Valles na para pa lamang sa replacement fuel, ang equivalent increase ay nasa 70 hanggang 80 centavos per kilowatt-hour na.

Idinagdag naman ng Meralco official na hindi pa ito ang final computation para sa overall adjustment para sa buwan ng Marso at iaanunsyo nila ang final figure sa susunod na linggo.

Inihayag din ni Valles na plano nilang sumulat sa Energy Regulatory Commission para humingi ng payo kung paano mapagagaan ang epekto ng mataas na singil sa kuryente sa mga consumer.

About The Author