dzme1530.ph

Singil ng NGCP sa mga delayed projects, dapat i-refund

Dapat i-refund o ibalik sa mga consumers ang siningil na bayad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga nakabinbin pa nitong proyekto.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Sherwin Gatchalian kasabay ng himok sa Energy Regulatory Commission na i-evaluate at kwentahin ang mga siningil ng NGCP sa mga consumer para sa mga proyekto nitong ilan taon nang delayed o nakabinbin.

Binigyang-diin ng senador na hindi dapat ang taumbayan ang nagsasakripisyo sa pagpapabaya ng NGCP kaya’t hindi pa rin natatapos hanggang ngayon ang mahigit 70 proyekto na ang anim ay of national significance o sadyang mahalaga sa bansa.

Panahon na anyang patawan ng multa ang NGCP at atasang ibalik sa mga consumer ang kanilang siningil para sa mga delayed projects.

Iginiit pa ng senador na sa dami ng violations ng NGCP ay nararapat na itong tanggalan ng prangkisa o ibigay na sa iba ang pamamahala sa transmission lines. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author