dzme1530.ph

Singaporean Ambassador Gerard Ho Wei Hong, ginawaran ng Order of Sikatuna ni PBBM sa farewall call

Binigyang-pugay ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si outgoing Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong.

Sa farewell call sa malakanyang, iginawad ng pangulo kay ambassador ho ang order of sikatuna with the rank of datu silver distinction.

Kasabay nito’y pinasalamatan ni Marcos ang Singaporean Ambassador sa kanyang kontribusyon sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Singapore.

Sinabi ng pangulo na sa panahon ni Ho ay tumaas ang trade at investment volumes ng bansa mula Singapore.

Ilan pa sa kontribusyon ng outgoing Singaporean envoy ay ang pangangasiwa ng Gov’t-Gov’t Cooperation Agreements sa ekonomiya, seguridad, at people-to-people ties, at pangangalap ng humanitarian assistance sa panahon ng mga kalamidad at kasagsagan ng COVID-19 pandemic. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author