dzme1530.ph

Sinelyuhang 2 contract packages ng North-South Commuter Railway Proj., lilikha ng 2K trabaho

Sinelyohan na ng pamahalaan at ng mga winning bidders ang dalawang kontrata ng konstruksiyon sa North-South Commuter Railway Project kahapon.

Sa talumpati ng Pang. Ferdinand Marcos, Jr matapos ang ceremonial contract signing na ito, sinabi ng pangulo na ang proyekto ay makakalikha ng mahigit 2,000 trabaho.

Ang pagsisimula aniya nito ay simula din ng pag-usbong ng mga bagong oportunidad at kabuhayan.

Ayon sa Pangulo, ang railway system na may kabuuang distansiya na 147.26 kilometers ay “massive boost sa kabuuan ng transportation infrastructure sa bansa at mapapakinabangan ng 800,000 pasahero kada araw.

Sa oras aniya na matapos, mapasisigla nito ang ekonomiya sa mga interconnected regions at made-decongest matinding traffic sa mga pangunahing kalsada, mapabibilis at mapagagaan ang biyahe ng mga commuters, at sa kabuuan ay magbibigay ito ng ginhawa sa lahat. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author