Sa ilalim ng Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018, muling isinagawa ng Social Security System (SSS) ang simultaneous Run After Contribution Evaders (RACE).
Ayon sa SSS, nasa 108 lugar ang pinuntahan ng kanilang mga tanggapan upang paalalahanan ang mga employer na nakalimot sa kanilang obligasyon.
Sa Quezon City, 10 pwesto ang kanilang binigyan ng Notice of Violation kabilang dito ang Beans and Grains Food Inc. or Coffee Shops sa Timog Ave., Andry Trade Haus o Printing Services sa Sct Ybardolaza; Geonbae Food Concepts Restaurant sa Sacred Heart; Safety Tech Innovation sa SCT Torillo South Triangle at anim pang establisiyemento.
Sinabi ng SSS na ang kanilang mga pinuntahan ay pawang hindi nakapag-remit ng contributions ng kanilang mga empleyado; di nakapagrehistro ng kanilang negosyo sa sss at hindi inireport ang kanilang mga empleyado para sa coverage ng SSS.
Paalala ng SSS, ang mga kumpanya o negosyong walang intensyong magbayad o mag-comply ay maaaring sampahan ng kasong paglabag sa Social Security Law sa korte.
Samantala, sa kabila ng hakbang na ito ng naturang ahensya marami pa rin sa mga miyembro ng SSS ang unsolved ang problema na naidulog sa nasabing kagawaran. —ulat mula kay Neil Miranda, DZME News