dzme1530.ph

Simpleng payo ng mga opisyal ng gobyerno para sa P.I, pwedeng dahilan upang ituring itong Unconstitutional

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel III na pasok na bilang Politician’s Initiative ang isinulong na People’s Initiative ng grupong PIRMA para sa Charter change.

Ito ay makaraang igiiit ni PIRMA Lead Convenor Noel Oñate na limitado lamang sa administrative at advisory assistance ang naging papel ni House Speaker Martin Romualdez sa kanilang aksyon.

Ipinaliwanag ni Pimentel na kahit simpleng payo o kahit ano pang papel ng mga opisyal ng gobyerno sa People’s Initiative ay hindi pinapayagan at magiging dahilan upang ito ay maituring na Unconstitutional.

Nagtataka ang Senate Minority Leader kung bakit kailangan pang i-hijack ng mga kongresista ang people’s initiative na laan para sa taumbayan para sa pagbabago sa konstitusyon gayung may mga paraan na nakareserba para sa kongreso kung nais nilang isulong ang Cha-cha.

Tinukoy ni Pimentel ang Constitutional Convention at Constituent Assembly.

Una rito, nagsulong na ng resolution ang mga Senador upang bigyang awtoridad si Senate President Juan Miguel Zubiri na magsagawa ng anumang ligal na aksyon laban sa people’s initiative. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author