dzme1530.ph

SIM Registration Law umpisa na ngayong araw. Sim Card Users, obligadong magpa-rehistro 

Simula na ngayong araw ang implementasyon ng Republic Act No. 11934, o Sim Registration Law, kasabay ng pag set up ng Public Telecommunications Entities ng kani-kanilang online platforms para tumanggap ng registrations.

Kahapon ay nagpatawag ng Joint Press Conference ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), at National Telecommunications Commission (NTC), kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang Telecommunications Companies, upang paalalahanan ang publiko sa pagpapatupad ng Sim Registration Law.

Hinimok ni DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo ang bawat subscriber na iparehistro ang kanilang sim card sa kani-kanilang mga network provider, kasabay ng paalala na ang pagpaparehistro ay hindi dapat makabigat sa mga end-user.

Sinabi ni Lamentillo na umaasa si DICT Secretary Ivan John Uy na matatapos ang Sim Registration Process sa loob ng 180 artaw.

Pinayuhan din ng DICT Official ang mga makararanas ng aberya o technical issues na magreport agad sa mga telcos at kaugnay na ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang problema.

Pinag-iingat din nito ang lahat laban sa mga pekeng Website, Phishing, at iba pang scams na maaring magsamantala sa mga magre-rehistro ng kanilang sim.

Ang Sim Registration ay isasagawa Online sa pamamagitan ng platform na manggagaling sa Public Telecommunications Entities.

About The Author