Umapela si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa DICT, NTC at telcos na bumalangkas ng plano kung paano mapapadali ang pag-rehistro ng unregistered SIM cards.
Ayon kay Romualdez, milyon SIM cards pa rin ang hindi rehistrado kaya mahalaga na mag-isip ng pamamaraan upang mapadali ang pag-comply sa batas.
Paalala nito, 90-araw lamang ang extension na binigay ni PBBM, kaya dapat itong samantalahin.
Partikular na pinaaasistihan ni Romualdez ay ang OFWs at pamilya nito na nasa malalayong probinsya, na posibleng maputol ang komunikasyon kung madi-deactivate ang SIM cards sa oras na mabigong mairehistro sa itinakdang panahon.
Tinawag din nito ang pansin ng DMW at DFA na tulungan ang DICT, NTC at telcos para ipaalam sa mga OFWs ang kahalagahan at requirements sa pag-paparehistro ng kanilang SIM card. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News