dzme1530.ph

“Sim-aided” crimes, halos trumiple sa unang anim na buwan ng taon —PNP

Halos trumiple ang tinatawag na “Sim-aided” crimes kumpara noong nakaraang taon, bago ang pagtatapos ng extended deadline ng SIM Registration sa July 25.

Batay sa datos, lumobo ng 152% o sa 6,250 ang bilang ng cybercrime cases sa Metro Manila lamang sa unang anim na buwan ng 2023 kumpara sa 2,477 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Dir. PBGeN. Sydney Hernia, ang pagtaas ng cybercrime cases ay natural na epekto dahil halos lahat ng tao ngayon ay gumagamit ng internet. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author