dzme1530.ph

Sikat na Impersonator na si Willie Nepomuceno, pumanaw na sa edad na 75

Namayapa na sa edad 75 ang sikat na impersonator na si Willie Nepomuceno.

Ito ang inanunsyo ng pamilya ni Willie sa kaniyang Facebook account.

Gayuman hindi nabanggit sa naturang post ang dahilan ng pagkamatay ng artist.

Ayon sa pamilya ni Willie, ipo-post na lamang nila ang detalye ng burol ng ama ng kanilang tahanan.

Nabatid na isa sa tinuturing na pillar ng Philippine Entertainment si Willie na sumikat sa kanyang satirical impersonation sa ilang political personalities gaya nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Benigno “Noynoy” Aquino III, at Rodrigo Duterte. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author