Patuloy na kumikilos ang tropical depression Aghon habang tinutumbok ang direksyon West North Westward sa Eastern Visayas.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Anna Clauren, huling namataan ang bagyo 340 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Napanatili nito ang taglay na lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras, malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometres per hour.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa:
- Eastern Samar
- Dinagat Islands
- Siargao Islands
- Bucas Grande Islands
Pinaliwanag ni Clauren na posibleng tumagal ang maulang panahon sa Eastern Visayas at Bicol Region hanggang weekend.
Habang inaasahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila pagsapit ng linggo o lunes bago ito bumalik sa karagatan.