dzme1530.ph

Shortage ng mga nurse sa pribadong ospital sa bansa, umabot na sa mahigit 50%

Mahigit 50% ang kakulangan ng nurses sa mga pribadong ospital sa bansa.

Ito ang inihayag ni Dr. Jose Rene de Grano, Pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na mahigit kalahati na ng bilang ng mga nurse sa private hospitals ang umaalis dahil sa mas malaking sweldo sa ibang bansa.

Ayon kay de Grano, nangyari na ito noong pandemya at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa pag-alis ang mga nursing staff.

Inamin din niya na dahil sa sitwasyon ay may ilang ward sa mga pribadong ospital ang kailangang isara.

Matatandaang sinabi ni Dept. of Health Sec. Ted Herbosa na target niyang bumuo ng National Nursing Advisory Council na tutugon sa mga alalahanin ng Filipino Nurses, partikular ang pag-alis ng mga ito para sa mas malaking sahod sa abroad. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author