dzme1530.ph

Severe Tropical Storm Lan na nasa labas ng PAR, mahigpit na binabantayan ng PAGASA

Hindi pa man natatapos ang pag-iral ng hanging habagat, isa na namang bagyo ang namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Patrick del Mundo, wala pang direktang epekto sa bansa ang Severe Tropical Storm Lan na posible ring hindi pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,370 kilometers silangan hilagang-silangang ng extreme northern Luzon

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 135 kilometro kada oras.

Mabilis itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Samantala, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Socksargen, Occidental Mindoro, Northern Palawan at Lanao del Norte dala pa rin ng umiiral ng Hanging Habagat.

About The Author