![]()
Kinumpirma ni House Committee on Ways and Means Chairman Miro Quimbo na hawak na nito ang sulat mula sa Palasyo, kung saan sinisertipikahang urgent ang House Bill No. 8481.
Ang dalawang sulat na may petsang March 12, 2026 ay naka-address kay House Speaker Faustino Bojie Dy III.
Sa sulat na pirmado ni Pang. Bongbong Marcos Jr., nakasaad na sa bisa ng Article VI, Section 26 (2) ng 1987 Constitution, iniuutos nito ang agarang pagsasabatas ng House Bill No. 8481.
Ang House Bill 8481 ay “An Act Authorizing the President of the Phils to Suspend or Reduce the Excise Taxes on Petroleum Products During National or Global Economic Emergencies, Amending for that Purpose the National Internal Revenue Code of 1987, as Amended.”
Ang special power ay para makakilos ng mabilis ang pamahalaan sa panahon ng extraordinary fuel price volatility, at ma-stabilize ang domestic fuel prices sa panahong may severe economic disruptions.
Sa hiwalay na sulat na may lagda ni Executive Secretary Ralph Recto, pormal nitong itina-transmit ang official letter ng Pangulong Marcos sa Kamara.
Sa Lunes, March 16 inaasahang aaprubahan sa 3rd and final reading ang House Bill No. 8481, matapos ito’y pagtibayin ng Kamara sa second reading noong March 11.
